KARAHASAN SA MALAPIT NA KARELASYON

Meron bang tao na malapit mong kamag-anak na gumagawa ng karahasan sayo, na isa o higit pa sa sa mga ganitong pagkikilos? Kung ganon, ay siguradong nalantad ka sa karahasan ng isang malapit na karelasyon.

  • Kinakausap ka ng masama, tulad ng tawagin kang tanga, pangit, mataba o baliw.
  • Pinagkaitan ng pera para sa kakainin, upa ng tirahan, damit, bayarin.
  • Pinipigilan kang kumontak sa pamilya mo at mga kaibigan mo.
  • Binabantaan ka ng karahasan laban sayo o sa mga bata, kapag susubukan mong tapusin ang relasyon, humingi ng tulong o magkwento sa ibang tao na tungkol sa kalagayan nyo.
  • Naninira ng mga personal mong kagamitan.
  • Saktan o pagbabantaan ka na saktan ang mga alaga mong hayop.
  • Manghampas, mangdura, manuntok, manulak, manipa, manakal sayo o mambato ng mga gamit.
  • Pinipilit kang pauwiin pabalik sa bansang pinaggalingan.

Ang listahan na ito ay hindi kumpleto at ang isang karahasan ay maaaring magkakaroon pa ng ibang anyo. Kung ikaw ay hindi sigurado na ikaw ba ay nakakaranas ng ganitong karahasan, sa isang nalapit na kamag-anak  o karelasyon, kumontak kayo sa amin.

Ang karahasan ay may maraming anyo. Kapag ikaw ay nalantad sa karahasan mula sa isang tao na kilala mong mabuti o pinagkakatiwalaan, ito ay tinatawag naming na karahasan, sa isang malapit na karelasyon.

Ang Crisis Center sa Sunnmøre ay isang offer para sa mga taong nalantad sa karahasan o pang-aabuso sa kanilang partner, pamilya o sa kanino, na malapit na kamag-anak o karelasyon. Nag-aalok ang Center ng proteksyon, payo at patnubay sa mga kababaihan, kalalakihan at sa mga bata.

Di mo kailangan na malagay sa matinding krisis para makakuha ng tulong mula sa amin. Ikaw ay maaaring makipag-ugnayan nang direkta sa Center ng walang appointment o referral. Ang offer na ito ay libre lamang.

Binubuo ang alok na ito, tulad ng:

Isang ligtas na lugar na matirhan, sa limitadong panahon.

Pakikipag-usap sa isang interpreter, kung kinakailangan.

Tumutulong na pakikipag-ugnayan sa iba pang mga instances.

Impormasyon tungkol sa mga karapatan at possibilities.

Gabay, kasama na ang legal na patnubay.

FOLLOW-UP

Maaari ka parin humingi ng tulong mula sa amin kahit na hindi ka nakatira dito.

Ang mga empleyado ay may kaugnay na edukasyon at kaalaman tungkol sa karahasan at pag-aabuso. May tungkulin ang mga empleyado sa pagiging kumpidensyal at samakatuwid, sila ay hindi pinapayagan na magbahagi ng impormasyon tungkol sayo, sa ibang tao, maliban nalang kung ito ay ipahintulot mo na pwedeng gawin o meron panganib sa iyong buhay at kalusugan. Nag-aalok kami ng interpreter/translator kung ito ay kinakailangan.